• 組織としごと
  • サイトマップ
  • 携帯サイト
  • Foreign Languages
文字サイズ
拡大
縮小
色合い
標準
青地に黄色
黄色地に黒色
黒地に黄色

ホーム > 教育・文化・スポーツ > 教育・健全育成 > 学校教育 > 外国人等児童生徒受入れ > Patnubay sa paaralan para sa mga dayuhan galing sa ibang bansa (Paaralang Elementarya・Junior High School) > Buhay sa paaralan (Ika-2 parte)

千葉県教育委員会

ここから本文です。

 

更新日:平成26(2014)年2月6日

Buhay sa paaralan (Ika-2 parte)

Unang araw sa paaralan

Pambungad sa paaralan

Ang aming klase ay nagsisimula mula alas-8 ng umaga.
Ang paaralan ang nagsasabi kung ano ang pinakaligtas na kalye papunta dito.
Sundan ang itinagubilin na kalye kasama ang kaibigan na nakatira malapit sa inyong bahay.

Pambungad sa paaralan

Sa tuwing papasok sa inyong silid-aralan, gamitin ang mga pintuan (student's entrance) na itinakda para sa mga mag-aaral.
Sa mga pintuang ito (student's entrance), may nakatalagang espesyal na lalagyan ng mga sapatos para sa bawat estudyante. Magpalit kayo ng sapatos na sadyang ginagamit para sa loob lamang at maari na kayong pumasok ng silid-aralan.

Pambungad sa paaralan

Ating tingnan ang inyong pampaaralang uniporme sa pagtungo niyo sa eskwelahan.
Isuot ang dilaw na sumbrero at ang inyong mga "name tag.
Ilagay sa loob ng inyong "school bag" ang inyong mga gamit sa pag-aaral.
Ibukod ang inyong mga "PE uniform" sa ibang bag.
Ang inyong sapatos ay dapat "sandshoes" o rubber shoes. Hindi pwedeng magsuot ng sandals papuntang paaralan.
Marami ang nagsusuot ng kaswal na kasuotan sa mga paaralang elementarya.

Pambungad sa paaralan

Karamihan sa mga junior high school ay nagsusuot ng pampaaralang uniporme.
Bawat paaralan ay may kani-kanilang pasadyang uniporme na mayroong espesyal na butones at tsapa kung kaya't maaaring magtanong sa inyong kinaukulang eskwelahan tungkol dito.

Pagtitipon sa umaga

Pambungad sa paaralan

Kapag nakita niyo ang inyong guro, kinakailangan magtipon ang buong klase para sa umagang pagbati.
Sa pagtitipon sa umaga, sasabihin ng inyong guro ang mga nakatakdang gagawin sa buong araw.

Pag-aaral

Pambungad sa paaralan

Sa simula ng klase, magtipon kayo ng inyong kapwa mag-aaral at makinig mabuti sa inyong guro.

Pambungad sa paaralan

Depende sa inyong asignatura, maari kayong lumipat ng iba't-ibang silid-aralan para sa espesyal na leksiyon.
Halimbawa nito ay "Musika", "PE" at iba pa.
Ang mga aralin sa "PE" ay maaring ganapin sa "bakuran ng paaralan" (schoolyard) o sa "hymnasyo" (gymnasium).
Upang makakilos ng maayos para sa PE, kinakailangang magpalit ng inyong kinaukulang PE uniporme.

Pambungad sa paaralan

Ang bilang ng oras ng pag-aaral at ang oras ng pag-uwi ng bahay ay depende sa araw ng linggo at sa inyong baitang (year level).
Bawat asignaturang pinag-aaralan ng mga mag-aaral sa elementarya ay tumatagal ng 45 minuto. (50 minuto para sa junior high school)

← BabalikPagpapatuloy →

よくある質問

このページに関するお問い合わせ

所属課室:教育庁 教育振興部指導課教育課程室

電話:043-223-4061

ファクス:043-221-6580

ページの先頭へ戻る

最近閲覧したページ

機能の説明