千葉県Espaco Informacoes Internacionais de Chiba

Main content starts here.

Foreign Languages > Para sa mga Dayuhan > Ang ambassador na namamahagi sa galing ng Chiba Prefecture sa ibang bansa sa pamamagitan ni Chiba-kun

Update:July 18, 2017

Ang ambassador na namamahagi sa galing ng Chiba Prefecture sa ibang bansa sa pamamagitan ni Chiba-kun

Balangkas

 Sa Chiba Prefecture, isinasagawa ang pagtaguyod ng kaisipang “Ang ambassador na namamahagi sa galing ng Chiba Prefecture sa ibang bansa sa pamamagitan ni Chiba-kun” (sa madaling salita, “Chiba-kun Ambassador”) na tumutulong upang maiparating ang ganda o galing ng Chiba Prefecture (sight-seeing, pagkain, araw-araw na pamumuhay at iba pa) sa mga dayuhang mag-aaral o mga dayuhang naninirahan sa loob ng Chiba Prefecture, sa pamamagitan ng personal blog, Facebook at iba pa, sa kanilang sariling wika.

 Sa pagpapaunlad sa kaisipang ito na magbibigay-daan upang maiparating ang galing ng Chiba Prefecture sa ibang bansa, nagagawang itaguyod ang pakikipagpalitan ng kultura sa ibang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng Narita Airport.

 Pakitingnan ang mga tanawin o attraction ng Chiba Prefecture na ipinamamahagi ng bawat ambassador.

Palabas o feature movie tungkol sa Chiba-kun Ambassador (Hapon)

 Mga gawain ng Ambassador

1. Ipinapamahagi ang impormasyon kaugnay sa mga tanawin o attraction ng Chiba Prefecture (sight-seeing, pagkain, araw-araw na pamumuhay at iba pa).

2. Sumasali sa paglilibot o tour sa loob ng prefecture at ipinamamahagi ang attraction ng Chiba na naranasan mismo sa sarili.

*Tingnan ang blog ng bawat ambassador para alamin ang impormasyon ukol sa mga gawain ng bawat isa.

 Blog ng bawat ambassador at iba pa

*Dahil ang mga URL links ay external sites at pinangangasiwaan ng bawat indibidwal, hindi sasagutin ng tanggapang ito ang anumang responsibilidad kaugnay sa paggamit ng nabanggit na mga websites.

*Ang link para sapahina ay bubukas sa ibang window.

 Recruitment o pagtanggap ng Ambassador

Tapos na ang recruitment para sa ambassador sa taong ito.

 Basahin ang pamphlet o recruitment page para sa karagdagang detalye ukol sa mga kondisyon ng pagtanggap, tagal ng serbisyo sa posisyong ito, deadline para sa aplikasyon.

 Sumangguni sa tanggapan ng Information Transmission Group, International Section kung may katanungan o pag-aatubili ukol sa recruitment ng Chiba-kun Ambassador.

Telepono: 043-223-2436 (konsultasyon sa wikang Hapon)

*Susuriin ang ipinadalang aplikasyon at pipiliin ang nararapat na maging ambassador.

*Ipapaalam sa lahat ang resulta ng pagpipili sa pamamagitan ng koreo sa bandang katapusan ng Mayo.

download Adobe Reader

Some of the publications on this site are in PDF format. To view them, you will need to have Adobe Acrobat Reader. Please click the graphic link to download Acrobat Reader.